WebClick Tracer

LIFESTYLE

Mga kalabog, panaghoy sa katabing condo unit

Mga ka-Misteryo kayo ba ay biglang nagigising sa hatinggabi na may mga kalabog at panaghoy sa katabing bahay niyo o katabing apartment?

Paano kung natuklasan niyo na wala na palang nakatira sa katabing bahay o condo unit niyo? Ano ang magiging reaksyon mo? Ano ang gagawin mo?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo!”

Si izza ng Taguig ay biglang nagising dis-oras ng gabi dahil sa mga naririnig niyang kalabog sa kabilang condo unit.

Misteryo: “Ano ba yung mga narinig mo? Sigurado ka bang sa katabing condo unit niyo galing yun?”

Izza: “Yes sa kabilang unit. Akala ko may nagwawala may banging sa wall then may voice akong naririnig murmuring hindi ko maintindihan and crying siya. She’s a lady yun ang voice na narinig ko.”

Misteryo: “How many times mo narinig yung banging sa walls? Matagal mo na ba naririnig hindi mo lang pinapansin?”

Izza: “Yes matagal ko na nga naririnig. I thought kasi may tao sa katabi naming unit kaya hindi ko pinapansin but recently ko na-confirm matagal na palang walang nakatira kaya disturb na ko kasi poltergeist na yun di ba? Noisy ghost na siya. Ang problem hindi pwede buksan ng condo management until mabayaran lahat ng dues ng may-ari.”

Misteryo: “Naku! I think you need an expert to deal with the ghost but I can recommend yung makatutulong sa inyo. Pero kailangan talaga may consent ng may-ari ng unit kung kailangan ipa-cleansing o ipa-exorcise yun.”

Izza: “Yun nga kasi almost every night ko naririnig yun pero hanggang doon lang naman hindi naman dito sa unit namin. But still hindi ako comfortable kasi back of my mind alam ko may noisy ghost sa kabila.”

Misteryo: “I think I can suggest you can reinforce your protection or defense sa unit mo para hindi makapasok sa place mo.”

Izza: “Yun siguro ang gagawin ko kaya ako lumapit sa inyo.”

Kayo mga ka-Misteryo baka may katulad kayong experience. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.