WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Kelot pinugutan, binalandra sa kalsada

Isang pugot na ulo at katawan ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang magkahiwalay na natagpuan sa Talisay City, Negros Occidental nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, dumaraan ang isang motorista sa Barangay Zone 16 nang magulat ito sa nakabalandrang pugot na ulo sa gitna ng kalsada pasado alas-diyes ng gabi.

Nang puntahan ng mga awtoridad ang lugar, sunod na nakita ng mga ito ang katawan ng biktima, may 27 talampakan ang layo mula sa ulo nito.

Nakasuot ng itim na pantalon ang biktima na tinatayang nasa edad 35 hanggang 45. May taas ito na 5’4 at may tattoo na “M. D 4 BOYS” sa kanang balikat.

Nakagapos ang mga kamay nito sa likod at may sugat sa ulo na pinaniniwalaang tama ng bala ng baril.

Samantala, kumbinsido si Lt. Dan Oliver Salazar, deputy chief ng Talisay police, na sa ibang lugar isinagawa ang krimen at itinapon lang sa kanilang lugar ang ulo at katawan nito para mailigaw sa imbestigasyon ang mga awtoridad. (Kiko Cueto)