WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Sawa, cobra naglalabasan sa Tawi-Tawi

Naglalabasan ngayon sa kanilang lungga ang mga sawa at cobra sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Kamakailan ay isang malaking sawa ang naispatan sa kalsada sa Tandubas.

Ayon sa uploader na si Jidday Buat Lucman, pabalik na siya sa munisipyo nang makita ang sawa sa gilid ng kalsada na duguan at patay na.

Kita raw sa katawan ng sawa na kakakain lamang nito ng kambing.

Base aniya sa mga residente, isa pang mas malaking sawa ang nakita sa lugar ilang linggo na ang nakakaraan. Madalas din daw na nakikita ang mga cobra na tumatawid sa mga kalsada.

Tingin niya, dahil sa mainit na panahon ay lumalabas ang mga ahas sa kanilang tirahan. (IS)