Nakahukay ang mga construction worker ng isang cache ng mga pampasabog sa Kawit, Cavite.
Isang Bernard Jose Iborde ang nagsuko ng may 45 M203 grenade sa kapulisan bandang alas-8:30 ng gabi, ayon sa Cavite Police Information Office nitong Martes.
Ayon sa ulat, naghuhukay si Iborde at mga katrabaho niya nang matagpuan ang mga pampasabog sa tabi ng pampang ng ilog sa Barangay San Sebastian.
Humingi ng tulong ang pulisya sa Explosive and Ordnance Unit para sa tamang pagtatapon ng mga granada at patuloy ang imbestigasyon para matunton ang pinanggalingan nito. (IS)