WebClick Tracer

OPINION

Sinangla hindi pa bayad na sasakyan

Hello attorney,

Good day ahead po… Attorney nagtatanong lang po ako.. makakasuhan po ba ako ng carnapping Po? Kasi po nagsanla ako ng sasakyan na di pa bayad po. Attorney, ngayon po isinanla din ng pinagsanlaan ko sa iba ang sasakyan. Ngayon gusto na po namin mabawi iyong sasakyan at ibalik na yung pinagsanlaan, kaso po doble na po ung pera na hinihingi ng 3rd party po. Di naman po talaga namin kaya. Halos nagpalimos na po kami para mabuo ang pera na ibabalik po..Ano kaya dapat ko po naming gawin at ano po ang maikakaso sa akin..walang check na involve po..carloan po lang.
Maraming po,
Madel

Ms. Madel,
Kausapin mo muna yung taong pinagsanglaan mo dahil sa kanya ka may obligasyon. At yung kausap mo ang may obligasyon naman sa 3rd party. Obligasyon niyang magbayad ng pagkukulang niya sa 3rd party kaya kung kaya mo nang bayaran ang kausap mo ay dapat na maibalik niya sa iyo ang sasakyan. Ang una mo munang ireklamo sa barangay ay ang kausap mo dahil sa pagsasanla ng sasakyan na wala kang anumang pahintulot.
Ang tanong mo ay kung madedemanda ka ng carnapping… sa aking palagay ay hindi ka madedemanda ng carnapping dahil ang sasakyan naman ay nandyan at ang elemento ng carnapping ay wala. Ang elements ng carnapping ay:

(a) the taking of a motor vehicle which belongs to another;
(b) the taking is without the consent of the owner or by means of violence against or intimidation of persons or by using force upon things; and,
(c) the taking is done with intent to gain.

Kung ito naman ay nakarehistro sa pangalan mo, ang ibig sabihin nito ay ikaw ang may ari pero nakasanla ito kaya may obligasyon kang bayaran ang utang mo. Kapag hindi mo nabayaran ang utang mo ay maaaring mag request ang mortgagee o napagsanlaan sa korte na makuha ang sasakyan sa iyo. Kapag nag utos ang korte na ibigay mo ang sasakyan at hindi mo maibalik…dapat mo lamang ituro kung nasaan ang sasakyan at pati ang 3rd party ay madadamay sa kaso dahil kakailanganin nyang maibalik iyon dahil sa utos ng korte.

Kaya mas magandang maayos ninyo ang singilan ng utang kaysa mawalan kayo pare pareho.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 5:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.