WebClick Tracer

OPINION

Perwisyong dulot ng POGO

Sangkaterba ang nanawagan para sa total ban sa operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Dulot ito na POGO-related incidents na nangyari nitong nakalipas na mga buwan na kadalasan ay kidnapping, mga abduction at minsan pa nga ay murder cases. Ang mga biktima mga POGO workers hindi. Ang mga suspek mga national national din.

Hindi ba’t ng dahil sa POGO, nagkaroon ng korapsyon sa Bureau of Immigration (BI). Kung naalala niyo iyong ‘pastillas scam’ kung saan bilyong piso din ang kinita ng mga tiwaling kawani at opisyal ng BI.

Sa talaan ng PNP, umabot sa 27 ang kidnapping cases ngayong taong ito at 20 doon, ang mga biktima, mga Chinese. Ang iba murder, robbery at may iba pang missing.

Ilang beses nang nagsawa ng rescue operations ang PNP, NBI at NBI at nito lang Sept.17, mahigit 100 POGO workers ang na-rescue sa Cainta, Rizal at 40 naman sa Angeles City, Pampanga.

Ang ilan sa kanila nakatikim ng torure, hindi pinapa-suweldo. May ilan na umaning dinukot sila para magtrabaho sa ibang POGO. Mismong ang PNP ang nagsabi na nagsusulutan ang mga POGO dahil kinukulang sila sa tao.

Nakakaalarma na dumarami ang POGO-related incidents mismo dito sa ating sariling bayan. Ginagawa nilang playing ground ang ating bayan kaya’t dapat kumilos ang gobyerno dahil may epekto sa peace and order ng ating bansa.

Isa siguro sa dapat hakbang ay kumilos ang ehekutibo at Kongreso na i-total ban na lang ang POGo lalo na kung wala namang tayong nahihitang benepisyo dito. Puro perwisyo lang ang hatid nila sa Pilipinas.

At magkano ang kinikita ng gobyerno mula sa POGO? Hindi ba’t may ilan sa kanila ang hindi nagbabayad ng kaukulang buwis? Kaya ang tanong, “is it worth it” na manaitili pa sila sa bansa?

Tingin ko dapat buwagin na, lusawin na ang POGO. Mismong ang DBM na ang nagsabi na wala namang epekto sa Pilipinas kahit ipasra na ang POGO dahil pababa nang pababa ang kanilang revenue generation.

Parang e-sabong lang yan. Hindi naman kumukita ng malaki ang gobyerno pero malaki naman ang perwisyong idinulot sa ating mga kababayan na nalululong sa bisyong yan.

Hindi ba’t hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ang kasyo ng pagkawala ng mga sabungero?

Kung nagawa ng gobyerno na ipatigil ang e-sabong, siguro naman kaya ring gawin yansa POGO. Dapat palayasin na sa lalong madaling panahon para hindi na madagdagan ang perwisyong dulot nila sa ating lipunan.