WebClick Tracer

SPORTS

Tabuena reresbak sa Taiwan

Sumala sa cut off sa huling sabak, babawi si 2016 Rio De Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena sa $700K (P40.4M) Yeangder Tournament Players Championship na sasambulat ngayong Huwebes sa Linkou International Golf and Country Club sa Chinese Taipei.

Ang apat na araw na torneo na tatagal hanggang Setyembre 24 ang nagsisilbing Leg 15 ng 27th Asian Tour 2022-23 at nilalahukan ng 144-player na maglalabo-labo sa 72-hole.

Bokya sa premyo ang Pinoy parbuster na kinakalinga ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) sa Leg 14 Shinhan Donghae Open noong Set. 11 sa Japan kung saan lumanding siyang pang-93 sa 138 kalahok.

Pangalawang sablay iyon sa finals ni Tabuena sa pitong natapos na torneo sa Asian Tour sa taong ito makalipas na magmintis din sa Leg 5 Trust Asian Mixed Stableford Challenge sa Thailand noong Abril 16 na pangalawa pa lang niyang kompestisyon. (Ramil Cruz)

File foto C/o Romy Buen. Thanks.

Caption: Miguel