WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Traffic enforcer sabit sa karnap

TIMBOG ang isang traffic enforcer dahil sa umano’y kasong carnapping sa Tagum City, Davao del Norte.

Sinabi sa report nitong Martes na inaresto ang 36-anyos na suspek sa isinagawa nilang manhunt operation sa Brgy. Magugpo South, Tagum.

Hindi na muna pinangalanan ang naturang enforcer na mula sa Tagum City Traffic Management Office na sinasabing sangkot sa mga insidente ng carnapping sa lungsod.

Itinuturing na rin itong top 2 most wanted person ng Regional Highway Patrol Unit XI.

Kinahaharap nito ang kasong paglabag ng Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016, na walang kaukulang piyansa.

Hawak na ng Davao del Norte Provincial Highway Patrol Team ang suspek. (Kiko Cueto)