Piolo, Rhea lucky charm ang nunal

Agree sina Piolo Pascual at Rhea Anicoche Tan , CEO at President ng Beautederm na lucky charm nila ang nunal sa mukha. Hirit pa ni Papa P hindi naman lumalaki ito at detructive sa face niya.

Bong 2 kotse ipamimigay sa 56th birthday

Bongga ang ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY’ ni Senator Bong Revilla bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan, Gaganapin ito 6 ng gabi, Linggo, Setyembre 25, 2022. 2 kotse,10 motorsiklo, laptop, cash prizes na P100,000, P50,000, P20,000 at P10,000 sa mga mapipili at hindi bibitiw sa panonood. Limandaang (500) katao ang mananalo ng tig-iisang libong piso.

Jake, Marco, Ejay, Joseph gumimik

Kahit busy sa kani-kanilang career sina Jake Cuenca,Marco Gumabao ,Joseph Marco at Ejay Falcon ay nagawa pa rin nilang gumimik at mag-bonding. Hindi sila taping friends.

Wilbert tanggap bagong ‘dyowa’ ni Zeinab

Dati nang natsismis si Wilbert Ross kay Zeinab Harake mula nang magkahiwalay ang half-Pinay, half- Lebanese social media influencer at ang rapper na si Skusta Clee. Sa ekslusibong panayam namin, nilinaw naman ng actor na walang namagitang relasyon sa kanila ni Zeinab kundi pure friendship. Masaya rin daw siya dahil may bagong boyfriend na ang kaibigan na nagpapasaya rito.

Kinabog ‘John En Ellen’: Joross, Roxanne may baby na

Tinuring na bagong ‘John En Marsha’ sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap dahil umabot ng season 3 ang iWantTFC original series nilang “Hoy, Love You.” Ayon sa mga Maritess kinabog daw nila ang ‘John En Ellen’ nina John Estrada at Ellen Adarna na wala na sa ere at hanggang Season 2 lang. Sina JoRox daw ang tunay na sumusunod sa yapak nina Mang Dolphy at Nida Blanca.

Tancontian pilak sa Turkey

Kinopo ni Sydney Tancontian ang medalyang pilak sa 2022 International University Sports Federation University World Cup Combat Sports women’s sambo nitong Miyerkoles sa Samsun, Turkey.