WebClick Tracer

SPORTS

Ablaza, Batangas tinumba Muntinlupa

Umangas si Cedrick Ablaza para sa Batangas upang itaob ang Muntinlupa, 85-81, sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League elims Martes ng gabi sa Vitaliano Agan Coliseum sa Zamboanga City.

Nagposte siya ng 17 points, 10 rebounds at 6 assists samantalang umayuda si Levi Hernandezng 18 markers at si Jeremy Cruz ng 12 para sa 16-2 win-loss record ng mga Batangueño sa pag-iisa sa tuktok ng South Division.

Bumagsak ang Cagers sa 3-14 sa kabila ng 24-pt., 7-reb. game ni Domark Matillano at 12, 10 ni Harold Arboleda.

Pumukol naman si Yvan Ludovice ng 22 para tambakan ng Sarangani (13-5) ang Manila (6-13) 74-55. (Annie Abad)