WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Bong 2 kotse ipamimigay sa 56th birthday

NI: ROLDAN CASTRO

SABIK na ang mga tagasubaybay ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., sa nalalapit niyang ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY’ na bahagi ng selebrasyong gaganapin 6 ng gabi, Linggo, Setyembre 25, 2022.

Sa kaniyang ika-56 kaarawan, pangungunahan ni Sen. Bong sa isang live program ang ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY. ’

Mapapanood ito sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph.

Makakasama niya rito ang asawang si Lani Mercado-Revilla at ilan sa pamilya, na magdaragdag-saya sa programa.

Higit sa lahat, inaabangan ang mga ipamamahaging premyong inihanda ni Sen. Bong bilang pasasalamat sa malakas niyang pangangatawan at walang tigil na biyaya – hindi lang sa kalusugan kundi sa kaniyang buong pamilya.

Sa pagtutulungan ng mga sponsor, malalapit na kaibigan, ilang negosyante at iba pa, magbibigay sila ng isang brand new car na highlight ng programa.

Mayroon ding 2 kotse,10 motorsiklo, laptop, cash prizes na P100,000, P50,000, P20,000 at P10,000 sa mga mapipili at hindi bibitiw sa panonood.

Limandaang (500) katao ang mananalo ng tig-iisang libong piso.

Taun-taong ginagawa ni Sen. Bong ang mamahagi ng cash at gadgets. Tradisyon na ng pamilya Revilla na mamahagi tuwing sasapit ang kaarawan ni Alyas Pogi.

Kakaiba sa darating na ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY,’ mas bongga ang mga premyo.

“Walang ibang gagawin kundi tumutok sa programa, sumali sa mga palarong madadali lang at may tsansa na kayong manalo ng bagong kotse, mga motorsiklo at marami pang iba,” paliwanag ni Sen. Bong.

Video courtesy of ROLDAN CASTRO

Video courtesy of ROLDAN CASTRO