WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

KD todo bantay sa pagpapaganda ni Alexa

NI: RONALINE AVECILLA

Nillalanggam sa ka-sweetan sina Alexa Ilacad at ang ka-loveteam nito na si KD Estrada. Matiyagang hinihintay ni KD si Alexa habang nagpapaganda ito sa isang kilalang skin clinic.

Halatadong kinikilig at na-appreciate ng aktres ang effort ni KD na samahan siya sa personal niyang appointment.

Kinurot pa niya ang pisngi at biniro ang aktor, “Ang lusog -lusog ng chikiting, sinamahan ako magpa-belo ni Mes Heart.

Kahit ang tagal-tagal niyang nahiintay, ang ganda -ganda ng mukha ko parang galaxy, ang daming stars.”

Kinikilig naman ang mga netizen sa eksena ng dalawa. Komento nila;

@Natume Anj, “Haissst sarap ma inlove..Kanina ang lungkot ko..Now ok na , nakita ko na kayong dalawa,,i love you bot.”

@Bhaby Taberdo, “So sweet.”