WebClick Tracer

SPORTS

Liscano kampeon ng under-17 chess

Tinanghal na bida si Nathalie Liscano sa girls under-17 division ng 2022 National Youth and Schools Chess Championships sa Dapitan City Cultural Complex sa Zamboanga del Norte nitong Miyerkoles ng gabi.

Kumubra ang 16 na taong-gulang at tubong Midsayap, Cotabato na manlalaro ng 7.5 points mula sa pitong panalo, isang draw at tatlong talo upang masilo ang korona at maging pambato ng ‘Pinas sa international age group meets, kasama ang 6th ASEAN Youth Championships sa Nobyembre 4-13 sa Bangkok, Thailand.

Sa 10th at penultimate round pa lang kuha na ni Liacano ang kampeonato nang manalo kay Xhyllon Reganion na bumaleawala na sa last-round defeat niya top seed Jamelin Ruth Lim.

Sumegunda si Angela Joelle San Luis samantalang tumersera si Lim sa parehas na tig-7.0 markers sa torneong pinagkaalabahan ni Dapitan Mayor Seth Frederick Jalosjos at binasbasan ng National Chess Federation of the Philippines na pinamumunuan ni Propsero Pichay Jr.

Pangalawang kampeonato na ni Liscano ito ngayong taon makaran ang Mindanao Ladies Open online noong Marso. (Elech Dawa)