WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Piolo gustong maka-collab si Zeinab

Ni: Glen P. Sibonga

Game ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual na makatrabaho at maka-collaborate ang sikat na vlogger at influencer na si Zeinab Harake.

Natanong kasi si Piolo sa presscon ng ineendorso niyang Koreisu Toothpaste ng Beautederm kung willing ba siyang makatrabaho si Zeinab na naunang nagsabi na gusto niyang maka-collab ang sikat na aktor, na crush din niya.

Sabi kasi ni Zeinab, “Hindi na po ako lalayo, Papa P (Piolo) pasok! Gusto ko siyang maka-collab. Parang tingin ko ang cute din nun kasi dadalhin natin siya sa YouTube tapos gagawa siya ng challenge, 24-hour challenge. So, sana mapagbigyan. Papa P baka naman po.”

Kaya naman ang naging tugon ni Piolo sa press na nagtanong sa kanya ay, “Napapanood ko kasi yung mga videos niya e. May mga nagse-send sa akin, tina-tag ako, so napapanood ko siya. You know, out of fun. So, of course, I’d be happy to meet her and hopefully to work with her as well.”

Hindi naman ito imposibleng mangyari lalo pa nga’t parehong Beautederm products ang ineendorso nina Piolo at Zeinab – ang Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

Samantala, nagpapasalamat naman si Piolo kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan na muling ni-renew ang kontrata niya bilang ambassador. Sinabi pa niyang bilib siya sa bagong Beautederm product na ineendorso niya.

“Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na ito that I absolutely love. Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health. Ang mga ito ay all-natural products na hindi lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa mga germs at viruses.”

Sobrang excited at maligaya naman si Ms. Rhea na makasama si Piolo sa Beautederm family sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon. “Who doesn’t love Piolo? No one could ever argue that he is the ultimate hunk and one of the industry’s top leading men. Ngunit sa likod ng kinang ng kanyang showbiz persona ay isang hard-working na tao na gumagawa ng positive difference,” papuri pa ni Ms. Rhea kay Piolo. (GLEN P. SIBONGA)