WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Piolo malungkot kanselado ABS-CBN Ball

NI: VINIA VIVAR

Inamin ni Piolo Pascual na ikinalungkot niya ang pagkaka-move ng ABS-CBN Ball dahil marami na rin daw ang nakapag-prepare at nakabili na ng isusuot bukod pa nga sa ‘yun ang pagkakataon na magkasama-sama silang mga ABS-CBN stars.

“It’s really disheartening because a lot of people have already prepared for it, bought their clothes, gowns and coats for the guys,” ani Piolo sa grand mediacon niya kahapon bilang ambassador ng pinakabagong set ng oral care essentials ng Beauederm na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

Excited nga raw sana siya dahil makikita niya sanang muli at makakasama ang mga old-time friends and colleagues.

“I don’t know if it’s cancelled or got move, so hopefully, one of these days. . .mahirap, eh. Bugbog tayo, so kailangan nating i-support or kailangan nating i-encourage ang kumpanya or network. Mahirap pero they need our support more than ever. That’s why,nandito lang po ako and hopefully, one of these days, it can happen,” he said.

Samantala, tatlong taon nang endorser si Piolo ng Beautederm.

“Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love,” deklara niya.