WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Piolo, Rhea lucky charm ang nunal

NI: ROLDAN CASTRO

Parehong may nunal sa mukha sina Piolo Pascual at si Rhea Anicoche Tan , CEO at President ng Beautederm. Agree naman sila na lucky charm nila ito.

Hirit pa ni Piolo hindi naman siya lumalaki at detructive sa face niya. Alamin sa video ang paliwanag nila.

Anyway, patuloy ang pagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa ika-13 na anibersaryo nito sa pormal na launch ng aktor bilang ambassador ng pinakabagong set ng oral care essentials nito na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

Ito ang ikatlong taon ni Pascual bilang isa sa mga A-list endorsers ng nasabing kompanya.

Sobrang ligaya naman ni Ma’am Rei na makasama si Piolo sa pamilya ng Beautéderm . Sey pa niya 2016 pa niya ito gustong kuning endorser pero pinag-ipunan niya muna.

“Who doesn’t love Piolo? No one could every argue that he is the ultimate hunk and one of the industry’s top leading men,” sabi ni Anicoche-Tan.

“Ngunit sa likod ng kinang ng kanyang showbiz persona ay isang hard-working na tao na gumagawa ng positive difference sa mundo gamit ang kanyang professionalism, humility, at kabutihan ng kanyang puso. Plus it really doesn’t hurt that he has a dazzling megawatt smile right? It is truly our pleasure to have Piolo with us in our Beautéderm family, “dagdag ni Ma’am Rei.

Video courtesy of Roldan Castro