WebClick Tracer

SPORTS

Taylor, Clark sasapawan

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
3 pm – Terrafirma vs Converge
5:45 pm – NLEX vs Rain or Shine

Uumpisahan ni coach Yeng Guiao at ng dalawa pang import ang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup laban sa inalisang team na Road Warriors.

Bago natapos ang Philippine Cup finals bumalik si Guiao ng Rain or Shine, pinanggalingan noong 2016 bago tumawid sa NLEX.

Ang parehong midseason tournament na rin noon ang huling titulo ng Elasto Painters at ni Guiao.

Sina Beau Belga, Gabe Norwood at Jewel Ponferrada na lang ang naiwan sa dating team ni Guiao sa RoS, mga bago sina Rey Nambatac, Anton Asistio, Mike Nieto, Shaun Ildefonso, Santi Santillan.

Isang linggo bago ang conference, pinasibat ng Painters si Daniel Ochefu at kinuha si 6-foot-9 Steve Taylor.

Debut rin sa Road Warriors ni Frankie Lim, ang ipinalit sa iniwang puwesto ni Guiao.

Si Earl Clark, 34, ng NLEX ang pinaka-beterano sa batch ng imports. Wala na rin sa Road Warriors sina Calvin Oftana at Raoul Soyud, pero dumating si Brandon Ganuelas Rosser. (Vladi Eduarte)