WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Wilbert tanggap bagong ‘dyowa’ ni Zeinab

NI: ARCHIE LIAO

Patok ang collaboration nina Wilbert Ross at YouTube sensation na si Zeinab Harake.

Katunayan, ang kanilang latest music video ni Zeinab na “Langga”ay umani na ng napakaraming views.

Nagbigay rin ng kilig vibes ang kanilang video na kinunan pa sa isang lalawigan na hango mismo sa concept ni Wilbert.

Dahil klik ang kanilang tambalan at nakita ng mga faney ang kanilang undeniable chemistry , maraming shippers nga ang nagwi-wish na sana na sila na lang ang magkatuluyan sa tunay na buhay.

Dati na noong natsismis si Wilbert kay Zeinab mula nang magkahiwalay ang half-Pinay at half-Lebanese social media influencer at ang rapper na si Skusta Clee.

Gayunpaman, nilinaw ni Wilbert na walang relasyon na namagitan sa kanila ni Zeinab kundi pure friendship.

Matagal na rin daw silang magkaibigan ni Zeinab kaya iba na ang level ng comfort nila sa isa’t-isa.

Hirit pa niya, iyong tambalan daw naman nila ng nasabing content creator ay para lamang sa music collaborations nila.

Masaya raw si Wilbert dahil may bagong boyfriend na si Zeinab at hindi siya nanghihinayang na napunta ito sa iba.

Naniniwala rin siyang kahit may nabuo na silang loveteam, hindi naman nito maaapektuhan ang pagkakaibigan nila ng YouTuber.

Si Wilbert ay bida sa pelikulang 5-in-1 kung saan ginagampanan niya ang isang babaerong CEO ng isang coffee business na tinuhog at pinagsabay ang limang babae.

Mula sa direksyon ni GB Sampedro, tampok din sa pelikula sina Angela Moreno, Debbie Garcia, Jela Cuenca, Ava Mendez at Ross Van Ginkel na mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 23.

Video courtesy of ARCHIE LIAO