WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Aiko hindi makapaniwala sa disiplina ni Beauty

NI Rommel Gonzales

Nakatsikahan namin si Aiko Melendez via Facebook messenger tungkol sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters kung saan sila nina Beauty Gonzalez, Angel Guardian at Thea Tolentino ang mga bida bilang Chua sisters.

Unang beses ito na pagsasama sa isang serye nina Aiko at Beauty.

“I am so excited na magka-work na kami ni Beauty! Matagal na dapat na may movie kami kaso hindi natuloy.

“Naka-work ko na siya pero short stint lang kasi endorsement shoot lang siya so now finally matagal-tagal ko siyang makakasama.

“Nakakatawa and magaan siyang katrabaho. May common friend kasi kami si Agnes kaya alam na namin ugali ng isa’t-isa so magkasundo kami agad.

“Grabe discipline niya sa diet niya na hindi ko alam kung paano niya nagagawa, na ang busy na namin sa pagte-taping and yet nagbabaon siya food na sarili niya.

“Tapos nagbigay siya tips sa diet-diet,” at tumawa si Aiko.

”Wala akong reklamo sa kanya kasi tawa lang kami ng tawa sa set,” kuwento sa amin ni Aiko.

Ngayong Oktubre ipapalabas sa GMA ang third installment na ito ng Mano Po Legacy.