WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Alex inokray sa sagwa sumayaw

NI: ARCHIE LIAO

Nagbahagi ng TikTok video si Alex Gonzaga sa kanyang Instagram feed.

Sa nasabing clip, makikita siyang sumasayaw to the tune of “Sun and Moon” ni Anees.

May caption naman itong “Danas ko ang pagiging sexy sa tiktok ah.”

Pinuri naman siya ng kanyang sister na si Toni Gonzaga at nagkomento itong : “Galing 👏👏👏😂😂😂”

Bagamat marami ang naaliw sa dance moves ng vlogger, marami rin naman ang umano’y naalibadbaran at nang-okray sa kanyang ginawa.

Isa na rito ang LOL guest host na si Isabelle Daza na naasiwa sa kanyang pinaggagawa.

“Ang sagwa,” reaksyon ni Isabelle.

May ilan namang tila nairita rin sa pagiging TH ng YouTuber sa pagsayaw.

Ito ang ilan sa kanilang mga naging komento.

“@isabelledaza i agree 😂”

“grabe ang pagka straight ng dibdib madam 😂”

“😂😂😂😂 parang ako lang magsayaw eh! tigas ng katawan bwahahaha!

“Hope you lessen ang pagiging galawgaw pra magkababy na kau ni Konsi Mikee”