WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Alex naimbyerna sa photographer sa Milan Fashion Week

Ni: Glen P. Sibonga

Naimbyerna si Alex Gonzaga sa isang photographer sa dinaluhan niyang Milan Fashion Week sa Italy.

Ikinuwento ni Alex ang naranasan niya sa photographer sa kanyang Instagram Live habang inaayusan siya ng kanyang glam team para sa muli niyang pagdalo sa naturang event.

“Kasi yung photographer akala ko ako yung pini-pucture-an niya. So, nag-pose ako ng ganyan. Tapos nakita ko yung mukha niya gumanyan (nag-make face siya ng ngumiwi). Yun pala yung nasa likod ko yung kinukunan niya,” natatawa na lang na kuwento ni Alex.

Biro pa niya, “Naku, hindi talaga nila ako pinapansin. Nung dumaan ako, nagtalikuran at naglinis ng lente.”

Kaya naman sa muling niyang pagdalo sa event ay kumuha na siya ng photographer. Pero nag-√†alala pa rin siya. “Baka kasi hindi naman ako ang kunan niya. Makita-kita ko iba yung pini-pucture-an niya,” biro pa ni Alex.

Happy lang si Alex na naranasan niyang dumalo sa Milan Fashion Week. At thankful siya kay Dr. Vicki Belo na isinama siya nito sa naturang event.

Ipinakita nga ni Alex sa video clip na ipinost niya sa Instagram ang pagdalo nila ni Vicki sa fashion event.

At sa caption nito, agaw atensyon pa rin si Alex, “HOY nasa #MilanFashionweek ako at yes wala silang pakialam dito. konting pansin naman guys! Thank you dra @victoria_belo for the invite!!! (GLEN P. SIBONGA)