WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Ali, Pat walang ‘bardagulan’

 NI: ARCHIE LIAO

Masaya ang dalawang beteranang komentaristang sina Ali Sotto at Pat-P Daza dahil nasa Year 2 na ang kanilang public service show na ” Ano Sa Palagay N’yo” (ASPN).

Ayon sa dalawa, swak ang kanilang pagsasama dahil nagkakasundo sila at walang bardagulan.

“Magkapareho kasi kami ni Ali na babae. We’re both mothers. We’re both working mothers. We came from the same industry which is showbiz and maybe hindi nagkakalayo ang age namin. Walang generation gap. Pareho kaming feelennials. That’s my opinion. I don’t know about Ali, ” sey ni Pat-P.

“Ako kasi, I’m looking forward to work every morning. Sabi ko sa kanya, siya ang anti-aging ko. Kasi everyday we are marinated… babad na babad kami ng bad news. So talagang kami, iyong effort namin, naghahanap kami ng magagandang balita. There are days kasi na napakahirap na maghanap ng magagandang balita, “aniya.

“I just wake up excited every morning na kahit you don’t know what’s supposed to happen for the day na talagang iniaalay mo lang ang ginagawa mo para sa serbisyo sa bayan at sa Panginoon. Just knowing that I’m with Pat-P, tapos kahit ang bigat-bigat ng mga pinag-uusapan ay hahalakhak ka. Gusto ko iyon. I love people who make me laugh because I love Pat-P,” ani Ali.

Sa programang “Ano sa Palagay Nýo? (ASPN), napapanahon ang mga isyung tinatalakay kung saan masusing sinusuri ang ang mga mahahalagang pangyayari, isyu at personalidad sa bansa.

Bukas din ang linya ng komunikasyon para sa mga ahensiya ng gobyerno, non-government organizations at pribadong sektor upang makuha ang bawat anggulo at ihatid sa kanilang tagapakinig at manonood.

Sa kanilang ikalawang taon, ginagarantiyahan ng Team ASPN na patuloy nilang bibigyan ng tamang impormasyon ang mga manonood at tagapakinig sa magaan ngunit sa paraang nagbibigay-kaalaman.

Ang ASPN ay umaarangkada Lunes hanggang Biyernes alas otso ng umaga sa NET25.