WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Ang nakakagulat na dream role ni Sanya Lopez

NI Rommel Gonzales

Maraming papel na ang nagampanan ni Sanya Lopez tulad ng pagiging isang Sang’gre sa Encantadia, yaya sa First Yaya at asawa ng Presidente ng Pilipinas sa First Lady, pero nagulat kami sa sagot sa amin ni Sanya kung ano ang dream role niya.

“Yung heavy acting talaga.

“Either tungkol sa mga taong mentally incapacitated or may malalang sakit.

“Para hindi lang masubukan dito ang kakayanan ko pa sa acting kundi para ma-explore ko kung anong buhay meron talaga sila, kung ano iniisip nila at ano pakiramdam ng isang taong may malubhang karamdaman.”

Samantala, lahat ng celebrities ay may bashers, paano ito naha-handle ni Sanya?

Ano ang pinakamasakit na bashing ang naranasan ni Sanya at paano niya iyon sinagot?

“Lagi ko na lang pong iniisip na part po talaga ng buhay ng isang artista ang bashing.

“You cannot please everybody.”

Hindi raw siya sumasagot sa mga bashers.