WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Angel Guardian muntik layasan ang showbiz

NI Rommel Gonzales

Sagot sa kanyang panalangin ang pagiging Pinoy runner ni Angel Guardian sa Running Man Philippines!

Ayon kay Angel, bago dumating ang show ay iniisip na raw siyang mag-quit sa showbiz!

“So parang napapa-isip ako na parang gusto ko na mag-stop ng showbiz, magbalik sa commercial. Kasi parang nag-start na ako na, alam mo ‘yun, mag-isip kung saan ba talaga ako maggo-grow.”

“Plan ko na talaga, decided na ako. Tapusin ko na lang yung contract ko, tapos balik na lang ako sa commercials.’

“Siguro, mag-focus ako sa music. Tapos ayun business, tapos mag-aral ako. ‘Yun na ‘yung parang naiisip ko na gagawin ko.”

At salamat sa Running Man Philippines, nagbago ang takbo ng buhay ni Angel.

“Until dumating ‘yung Running Man parang, ‘Wait. Lord, ano ba ‘to? Ito ba yung sign, pause ba ‘to na kailangan ko mag-isip at mag-decide kung mag-stop ba ako, so gi-give up na ba ako or tutuloy ako?’

“Which nasagot nga. After ng Running Man, tapos dumating pa po yung Mano Po ngayon.

“Parang pinapa-realize lang sa akin na, ‘Ano ka ba? Huwag kang sumuko. Kaya mo yan, huwag mo i-doubt yung sarili mo.’”

Kasali rin si Angel, na isang Sparkle artist ng GMA, sa cast ng upcoming GMA series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters, kung saan makakasama naman niya ang ilan sa dekalibreng aktres tulad nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, at Beauty Gonzalez.

Ang Running Man Philippines naman ay napapanood tuwing Sabado, 7:15 pm at Linggo, 7:50 pm.