WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Bong ‘di iiwan ang GMA-7; loyal sa asawa

NI: VINIA VIVAR

Dahil maraming artista ang lumilipat sa AllTV network, natanong din ng members of the press si Sen. Bong Revilla kung kinausap din ba siya ni Willie Revillame na isa sa mga namamahala sa nasabing bagong istasyon.
Diretsong sinabi ni Sen. Bong na mananatili ang kanyang loyalty sa GMA-7 at hindi niya ito iiwanan. Biro pa niya, tulad din daw ng asawa niyang si Bacoor Representative Lani Mercado na hindi rin siya iniiwan.
Pabiro rin namin siyang tinanong kung loyal di ba siya sa kanyang asawa. Panoorin ang sagot ni Sen. Bong gayundin ang reaksyon ng press.

Video courtesy of Vinia Vivar