WebClick Tracer

NEWS

Dayuhan balik-selda sa droga, boga

Itinuturing na malaking isda ang nalambat ng mga pulis makaraang kumagat sa buy-bust operation ang isang banyagang sangkot sa ilegal na droga at nahulihan pa ng marijuana, baril at mga bala sa Brgy. Longos, Malolos City, Bulacan, Miyerkoles nang madaling-araw.

Ayon kay Col. Relly Arnedo, officer-in-charge ng Bulacan provincial police office, nasakote ang suspek na si Dayuhan balik-selda sa droga, boga alyas `Jay’ ng Brgy. Longos, Malolos City.

Hindi naman binanggit kung saan galing na bansa ang suspek na may rekord umano na nakulong na rin dati dahil sa kasong kriminal.

Dakong ala-1:15 nang madaling-araw nang ikasa ang buy-bust sa target na suspek na lulan pa umano ng Nissan sports car nang makipagtransaksyon sa droga at may dala ring baril.

Nahulihan ang suspek ng isang pakete ng plastic sealed bag, isang brick ng pinatuyong dahoon ng marijuana na nasa P155,000 ang halaga, at isang Glock17 9mm pistol na kargado ng 13 bala, isa pang baril na CZ Scorpion Evo S1 at 20 bala nito.

Nahaharap ngayon ang suspek sa patong-patong na kaso. (Jun Borlongan)