WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Dennis Trillo bilang Crisostomo Ibarra, hindi basta-basta

NI Rommel Gonzales

Gaganap si Dennis Trillo sa Maria Clara At Ibarra bilang Crisostomo Ibarra, ang isa sa mga bidang tauhan mula sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.

“Hindi siya basta-basta na role, e. Kailangan mo siya talagang aralin,” pahayag ng Kapuso Drama King.

“Hindi ka puwedeng basta-basta mag-adlib na lang ng mga gusto mong sabihin doon sa character.

“Kailangan talaga nakasukat lagi ‘yung mga gagawin mo at sasabihin.”

Kaya naman gustung-gusto na ni Dennis na mapanood ng publiko ang naiiba nilang teleserye.

“Parang hindi pangkaraniwan kasi iba ‘yung kultura noon at iba ‘yung kultura ngayon. Iba ‘yung pananalita nila, iba ‘yung histura nila. Maganda ‘yung makikita nila ‘yung contrast noong mga characters dito,” kuwento pa ni Dennis.

Makakasama ni Dennis sa Maria Clara at Ibara ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza at ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Mapapanood na ang Maria Clara at Ibarra simula October 3 sa GMA Telebabad.