WebClick Tracer

SPORTS

Dolor binida uli Sea Lions

Tuloy ang lagablab mula eliminations hanggang semifinals ni Grgeorio Dolor at ng PGJC Navy nang uumiskor ng 20 points at muling lunurin ng Sea Lions ang VNS One-Alicia pagsiklab ng 5th Spikers Turf 2022 Open Conference round robin Final Four Huwebes ng gabi sa Paco Arena sa Maynila.

Tinapos ni Dolor ang tatlong ragasa ng Navy sa elims sa trinabahong 12 puntos sa straight set win kontra Santa Rosa City noong Martes patungo sa pang-apat na pananalanta kasama ang pag-ulit na ito laban sa Griffins.

“It’s the semis, so the training and all the sacrifices must come into fore,” lahad ni Dolor,na may two kill blocks pa para kopoin ang player of the game honor sa semi-pro men’s volleyball league na inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.

“Medyo pangit yung laro namin, pero naipanalo pa rin nila kahit nawalan kami ng first receive at parang hindi nag synchronize ung blocking namin,” suma naman ni Sea Lions coach Cecil Cruzada.

Tumayo sa two-sets down ang National University-Santa Elena upang sorepsang resbakan ang elims tormentor defending two-time champion Cignal, 25-20, 25-22, 25-23, 25-21, 10-10, sa likod ng pasabog na 30 markers ni Angelo Nicholas Almendras. (Ramil Cruz)