WebClick Tracer

SPORTS

Fajardo niladlad baby boy

Kahit drumibol na ang 47th Philippine Basketball Association 2022 Commissioner’s Cup, matagal pa bago sumalang uli sa laro ang San Miguel Beer.

At dahil dehins pa sasabak, bonding muna kasama ang baby boy ang inaatupag ngayon ni six-time MVP Junemar Fajardo.

Binida ni ‘Da Kraken’ ang baby boy niyang si Chewy sa Instagram account Biyernes.

“Me & my baby boy saying “Good morning world! Let’s spread love and joy today. Have a great day!” sey ni Fajardo.

Si Chewy ay isang poodle na alaga ng nine –time PBA champion.

Sa Oktubre 5 pa ang laro ng Beermen sa mid-season import reinforced conference kung saan makakatapat ang Blackwater Bossing. (Sarah Asido)