WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Francine todo depensa sa pag-amin ni Seth na crush siya

Ni: Glen P. Sibonga

Nagsasabi ng totoo si Seth Fedelin ayon sa lie detector device nang aminin niyang nagka-crush siya kay Francine Diaz.

Sa YouTube vlog ng The Squad 2022 sumailalim sa lie detector test si Seth at kasama nga sa mga tanong sa kanya ay tungkol kay Francine, na kabilang pa sa mga nagtatanong sa aktor.

“Totoo? Oo,” sagot ni Seth sa harap pa mismo ni Francine sa tanong na, “Totoo ba na nagka-crush ka kay Francine Diaz?”

Pero bigla namang dumipensa si Francine ng, “Dati pa ito, guys, dati pa ito.”

Bigla namang sumingit si Seth at sinabing, “Hanggang diyan na lang ang kuwento!”

Pero paglilinaw pa ni Francine, “Matagal na panahon… Nahihiya siya kapag kinukuwento ‘yun.”

Natanong din si Seth kung nao-awkward ba siya sa loveteam nila ngayon ni Francine na FranSeth?

“Ay oo, alam niyo yan,” sagot ni Seth na kinumpirma naman ng device na “Truth.”

Dati kasing ka-loveteam ni Seth si Andrea Brillantes, na kapareha niya sa iWantTFC series na ‘Lyric and Beat.’

Sina Seth at Francine na ang pinagtatambal ngayon at magsasama sila sa upcoming Kapamilya teleseryeng ‘Dirty Linen.’ (GLEN P. SIBONGA)