WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Francine umamin may chance magkagusto kay Seth

NI ROMMEL PLACENTE

Sumalang sa lie detector test si Francine Diaz. Tinanong siya ni Seth Fedelin, kung may chance ba na magkagusto ang young actress sa kanya.Ang sagot ni Francine ay yes. Truth ang lumabas sa resulta ng lie detector test Meaning,nagsasabi ng totoo si Francine.

Kinilig si Seth sa pag-amin na ‘yun ni Francine.

Katwiran naman ng young actress,lagi silang magkasama ni Seth kaya may chance nga na magkagusto siya sa binata.

Sa tanong ng young actor kung anong magugustuhan sa kanya ni Francine ang sagot nito ay humor. Na lalong ikinakilig ni
Seth.

Ang video ay kuha sa vlog ng Gold Squad na kinabibilangan nina Seth at Francine

@lyndemaeolivar Pigil ang Kilig 💙🥰 #fransethforever #franseth #squad2022 @Francine Diaz @imsethyboy ♬ original sound ♡ – Lynsaii