WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Jameson itinangging gf niya si Heaven

Ni: Glen P. Sibonga

Nilinaw ni Jameson Blake sa kanyang guesting sa Kapamilya morning show na ‘Magandang Buhay’ na hindi niya girlfriend at hindi sila nagde-date ng kanyang ‘A Family Affair’ co-star na si Heaven Peralejo.

“We’re not together. We’re friends. But I’ll say na naging close kami dahil sa ‘A Family Affair,’ magkasama kami doon and I got to know her more. Kasi alam ko may mga articles na lumalabas na people are saying na we are together, pero we are not together. We’re just friends, we’re good friends,” paliwanag ni Jameson.

Nang matanong kung hindi man lang ba niya nagugustuhan si Heaven, ang sagot ni Jameson, “I like her. She’s really nice and my mom knows her also, I know her mom also. We’ve worked together multiple times.”

Pero hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon ngayon. “Feeling ko hindi pa ako ready for a commitment. I just want to be stable, I just want to focus on myself muna,” ani Jameson. (GLEN P. SIBONGA)