WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Jameson nagtinda ng ube; 2 beses kumain sa isang araw

NI: ROLDAN CASTRO

β€œPinaiyak mo ako Tito @ogie_diaz πŸ˜… Thank you for the opportunity to share my life, career & journey. Hope you all get to watch it πŸ™πŸ»πŸ˜Š,” caption ni Jameson Blake sa kanyang Instagram account.

Sa vlog ni Ogie Diaz sa YouTube ay kinuwento ni Jameson ang hirap na pinagdaanan bago naging artista.

Inamin niya na dalawang beses lang sa isang araw kumakain dati.

Nagtinda rin siya ng ube habang nag-aaral.