WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Jela pamamanahan ni Wilbert

NI: ROLDAN CASTRO

Pinili ni Wilbert Ross na pamanahan ang Vivamax star na si Jela Cuenca base sa karakter nila sa pelikulang 5-IN-1. Para tumigil na raw ito sa pagraket at pagllnis ng condo.

Bida si Wilbert sa isang sexy-comedy Vivamax Original Movie, ang 5-in-1 . Kuwento ito ng isang binata na mayroong hindi lang isa, dalawa, o tatlo, kundi limang babae sa buhay niya.

Guwapo,certified chick magnet, successful businessman at CEO ng sikat na coffee brand na 5-in-1 coffee si John “Dick” Jordi (Wilbert Ross) . Nasa kanya na ang lahat, at kaya niyang makuha ang kahit ano, pati na ang pagkakaroon ng limang girlfriend – sina Mia (Debbie Garcia), Lexie (Rose Van Ginkel), Maria (Ava Mendez), Riley Red (Angela Morena), at Lana Rose (Jela Cuenca).

Pero sa likod ng inaakalang “perfect life” ni Dick, magiging mapaglaro ang tadhana dahil maaga itong babawian ng buhay dahil sa sakit na pinili niyang isikreto. Ang biglaan niyang pagkawala ay magdadala ng gulat at lungkot, hindi lang sa mga naiwan niyang girlfriend, kundi pati na rin sa kapatid niyang madre na si Sister Teresa (Giselle Sanchez).

Dahil sa biglaan pagpanaw ni Dick, hindi alam kung sino ang bagong magma-manage sa naiwang coffee business nito. Magiging sakit din ito sa ulo ni Sister Teresa dahil hindi niya alam kung sino sa limang girlfriend ni Dick ang pinakaminahal niya at karapatdapat na maging bagong CEO ng 5-in-1 coffee.

Dito maiisip ni Sister Teresa ang idea na hayaang magbigay ng eulogy ang mga girlfriend ng kanyang kapatid, at mula sa mga kuwento nila ay matutukoy niya kung sino ang “The One” at magiging bagong may-ari ng 5-in-1 coffee. Sa pag-alala nila sa naging buhay nila kasama ang binata, ibabahagi nila ang masasaya at makulay na kuwento ng kanilang relasyon, pati na ang mga sexual experiences na pinaranas ni Dick.

Sino nga kaya sa kanilang lima ang deserving na maging “the one”? Isa nga ba sa kanila? O,baka naman lahat sila?

Produced by Viva Films. Ito ay sa direksyon ni GB Sampedro. Streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong September 23, 2022.

Video courtesy of ROLDAN CASTRO