WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Jeong Joong Ji nagpakamatay

Isa na namang Korean artist ang nagpakamatay. Hindi pa man talaga todong nagpo-flourish ang singing career ng isa sa mga trainee o rookie ng isang agency, mas pinili na nitong wakasan ang kanyang buhay.

Si Jeong Joong Ji ay isa sa mga naging contestant ng Mnet’s Produce 101 Season 2 noong 2017. Pero, hindi siya pinalad na makasama sa top 11 na nag-graduate as group . Nakilala siya noon bilang Wanna One, pero marami pa rin ang nakakilala kay Jeong Joong Ji, lalo ang mga tumutok sa season 2 ng Produce 101.

Walang malinaw na dahilan kung bakit nito piniling mag-suicide at the age of 30. Pero,sa mga comment sa online, may ilang mga isyung naglalabasan.

Ang ina ni Jeong Joon Ji ang nag-post sa Twitter account ng tragic news na ito. Ayon dito, noong September 9 raw nangyari. “My son Joong Ji made the choice to end his life. I don’t know how to put my feelings right now into words.”

Maraming netizen ang nalungkot sa balitang ito at nagpahatid ng kanilang pakikiramay.