WebClick Tracer

SPORTS

Krugerrand, Fotissimo palaban

Papakitaan ng magkakuwadrang Krugerrand at Fortissimo ang kanilang mga tagahanga pagsalang sa Philracom (Philippine Racing Commission) Rating Based Handicapping System ngayong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pakakawalang pangalawang karera sa distansyang 1,500-metro, markado sila nina Bocaue Rivertown, Prettiest Star, Heroesdelninetysix, Tocque Bell, Charm Bell, Electrify at Serafina.

Nakalaan ang P35K para sa unang apat na kabayong tatawid sa meta. Hiwalay pa ang P10K premyo para sa winning horseowner.

Pitong karera ang ilalatag ng Manila Jockey Club Inc. (Elech Dawa)