WebClick Tracer

NEWS

Magtita nangisay sa nakalaylay na live wire

PATAY ang magtiyahin nang makuryente sa Quezon habang namimitas ng gulay.

Sa report, natagpuan ang bangkay ng mag-tita sa bulubunduking parte ng Barangay Sta. Rosa, sa bayan ng Mulanay. Nangyari umano ang insidente nitong Miyerkules.

Kinilala naman ng Philippine National Police ang mga biktima na sina Fabian Bia at Sherwin Mediavilla.

Sa paunang ulat, nakuryente ang mga biktima dahil sa nakalaylay na live wire sa lugar.

“Eh may mga wirings du’n na nakakalat dala ng bagyo nu’ng mga nakaraang ulan, natumbang poste eh hindi na-check,” sinabi ni Police Captain Joseph Ian Java, hepe ng Mulanay Police Station.

Mga magsasaka ang mga biktima at nagpaalam sa mga kaanak na kukuha ng gulay sa bundok.

Nakita ang kanilang mga labi ng isang concerned citizen na agad ipinagbigay alam sa pulisya. (Kiko Cueto)