WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Maris nagpa-sexy sa birthday niya

Ni: Glen P. Sibonga

Hot ang naging pagdiriwang ni Maris Racal para sa kanyang 25th birthday kahapon (Setyembre 22) nang mag-post siya ng sexy photos sa social media.

Hindi lang isa kundi series of sexy photos at posts ang makikita sa Instagram ni Maris (@mariesteller).

Bukod sa pagdagsa ng mga pagbati sa kanyang kaarawan, may iba pang reaksyon sa kanyang posts.

Ayon nga kay JK Labajo, “jusko po mami!!!” na may kasamang fire emojis.

“Ilabas mo na yung iba paaaa,” sabi ni Direk Antoinette Jadaone.

“grabe po,” komento naman ni Loisa Andalio.

Ilan pa sa mga taga-showniz industry na pumuso sa posts at bumati kay Maris ay sina Chie Filomeno, Direk Dan Villegas, Bianca Gonzalez, Mutya Orquia, Sofia Andrea, PJ Endrinal, Darla Sauler, at iba pa.

Sa ginanap namang birthday party ni Maris ay naka-duet niya ang boyfriend niyang si Rico Blanco sa kantang ‘Cruisin.’