WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Ogie, Maine, Morissette pasabog sa virtual date

NI: ROLDAN CASTRO

Super saya at dagdag good vibes ang magaganap bukas, September 24 , 7-9:00 PM sa Facebook Fanpage na THE OGIE DIAZ.

“Ayan na! Mag-virtual date tayo. Nag-enjoy ka na, malaki pa ang chance nyong manalo, dahil kahit nanonood lang kayo sa inyong gadget, baka bigla pa kayong magkapera. Sa Sabado na ito, 7pm to 9pm sa aking Facebook fanpage THE OGIE DIAZ at KUMU.

“Manood at Maki-Saya kasama ang BingoPlus tropa sa BingoPlus,” paanyaya ni Ogie sa kanyang Instagram account.

Gabi ng kulitan, tawanan , non-stop papremyo at unli sing a long sa mga bisitang celebrity artists ang mapapanood.

Tampok sa BingoPlus ang first female celebrity endorser na si Maine Mendoza.

Aawit naman sina Morissette at Gloc 9, Makikipagbargulan din ang Beks Batallion .

Si Ogie Diaz ang main host ng BingoPlus Day 2 kasama sina Lance Edward at Verna Perwinkle.

200,000 pesos worth of cash prizes ang kanilang ipamimigay sa masusugid nilang online viewers!

Bumisita rin sa bingoplus.com at makakakuha ng libreng P50 para a lahat ng new users after ng live streaming ng 9PM.