WebClick Tracer

METRO

PWD natodas sa kalsada

Inabot ng kamatayan ang isang person with disability (PWD) sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Ermita, Maynila nitong Huwebes nang hatinggabi.

Sumaklolo pa ang Emergency Response Team ng PGH pero hindi na naisalba ang buhay ng PWD na nakilalang si Ronaldo Gulas, 29-anyos at nakatira sa Baesa, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Irene Jay Manalilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 nang hatinggabi nakitang walang buhay sa kalsada ang PWD.

Isang vendor na si John Campos ang huling nakakitang buhay ang biktima habang nakaupo sa harapan ng PGH subalit makalipas pa umano ang ilang minuto ay humiga ito at hindi na kumikilos.

Agad na humingi ng tulong si Campos sa guwardiya ng PGH na siyang tumawag sa Emergency Response Team.

Wala naman nakiyang anumang sugat sa katawan ang biktima kaya dinala ang kanyang bangkay sa Cruz funeral homes para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)