WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Regine inaming fan siya ni Kim at pinaglihian pa ito

Ni: Glen P. Sibonga

Inamin ng ‘Magandang Buhay’ host na si Regine Velasquez na big fan siya ni Kim Chiu at pinaglihian pa niya ang aktres noong buntis siya.

Sinabi ito ni Regine nang maging guest si Kim sa ‘Magandang Buhay’ kung saan binigyang-pugay ang pagiging breadwinner at mabuting kapatid ng aktres.

Ayon kay Regine, “Gusto ko lang sabihin na noong buntis ako pinaglihian ko kasi siya (Kim).”

Singit naman ni Kim, “Tapos siya yung kumanta ng theme song ng ‘Binondo Girl.'”

Ang ‘My Binondo Girl’ ang dating ABS-CBN teleseryeng pinagbidahan ni Kim kasama sina Xian Lim, Matteo Guidicelli at Jolo Revilla.

Pagpapatuloy ni Regine, “Kinanta ko yun kasi fan na fan ako. Gustong-gusto ko talaga siya. I just wanted to sing the theme song of her soap. And then I did it again. Di ba kumanta ulit ako.

“Alam mo yung kapag nami-meet mo yung hinahangaan mo, tapos parang pag tinitignan mo, ‘Hindi ako nagkamali, kasi mabait.’ So, matutuwa ka rin. Nakakatuwa. Nakaka-proud. Ay, ano ko iyan… beshie kami niyan, kahit hindi naman talaga. Pakiramdam mo beshie kayo. Natutuwa ako.

“I just want you to know na I’m a fan, bata ka pa lang. Kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nasta-starstruck ako.”

Maging ang asawa rin ni Regine na si Ogie Alcasid ay natutuwa rin kay Kim. Magkasama sina Kim at Ogie sa ‘It’s Showtime.’

“Tapos yung asawa ko tuwang-tuwa rin sa kanya kasi ang bait-bait daw talaga. I love you, Kim,” sabi pa ni Regine.

Tuwang-tuwa naman si Kim at feeling niya ay birthday niya dahil sa magagandang bagay na sinabi ni Regine.

At hindi pa roon natapos ang pagpuri ni Regine kay Kim. “But you do inspire a lot of people. Like ako kahit mas matanda ako sa iyo, nai-inspire mo din ako. We love you, Kim.” (GLEN P. SIBONGA)