WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Ruffa di ‘feel’ si Willie

NI: ARCHIE LIAO

Mula nang magkaroon ng soft launch ang ALLTV at um-attend sa nasabing event si Ruffa Gutierrez , nagkaroon na ng espekulasyon na lilipat na rin siya sa nasabing Villar network.

Katunayan, si Ruffa ang nagsilbing co-host sa grand opening ng AMBS sa telebisyon.
Pinuri rin ng netizens ang ginawang pagha-handle ng beauty titlist sa nabanggit na ganap.

May ilan namang mga Marites ang nag-opinyon na iiwan na ni Ruffa ang kanyang pagiging hurado sa isang segment ng “It’s Showtime.”
Katunayan , hindi nalimutang mag-emote ng ilang netizen sa umanoý paglipat ng actress sa ALLTV.

Sey ni rachellenado: “Miss RufaG,bakit po kayo lumipat sa alltv di ba po sa showtime kau, nakakalungkot naman po iniwan niu it’s showtime kau po ang favorite judge ko sa showtime kse napakagaling niu po tsaka ang ganda niu po.”

Hirit naman ng isang fabglammom: “Ruffa G, I will miss u na kc I heard star ka na ng new channel.”

Sinagot naman ni Ruffa ang netizens at nilinaw na hindi totoo ang tsismis.

Kung wala man daw siya sa “It’s Showtime”, ito ay dahil nagbabakasyon siya abroad.

“Hindi ko iniwan ang ‘It’s Showtime’. I am on vacation po,” sey ni Ruffa.

Paglilinaw naman ng aktres, wala siyang kontrata sa anumang network sa kasalukuyan.

“I am a freelancer. No exclusive contract with any network. I am allowed to work with everyone,” esplika ng actress.

May kibitzers namang iniintriga si Ruffa dahil may mga bulung-bulungan na umano’y hindi raw nito feel pasakop sa ALLTV consultant na si Willie Revillame.

Kung sakali man daw, magpapatali ito sa bagong network, gusto nitong manggaling ang offer sa may-ari mismo at mga ehekutibo ng nabanggit na Villar station.