WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Sarah, karay si Matteo sa ASAP

Marami ang naintriga sa pasilip ng AshMatt sa official account ng ASAP sa Twitter.

Makikitang kausap ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa telepono ang international music icon na si Jim Brickman.

Seen din sa clip na inaalalayan ng Fil-Italian actor ang Popstar Royalty papunta sa isang venue.

May caption ang post na : “Must-See! A winning musical treat from Popstar Royalty Sarah Geronimo with Matteo Guidicelli and International Music Icon Jim Brickman on Sarah G Specials!

Tweet naman ng AshMatt shippers: “ASHMATT on ASAP Natin ‘To 09.25.2022”

Nagkaroon tuloy ng ideya ang netizens na ito ang ikalawang pagkakataon na mapapanood si Sarah sa ASAP sa Linggo (Setyembre 25) pagkatapos ng kanyang taped comeback performance noong Hulyo 24 kung saan inawit niya ng 2018 hit na “Duyan.”
Hirit tuloy ng kibitzers, kinaray raw ni Sarah si Matteo sa ASAP.

Kutob naman ng iba, special guest ng singer-actress ang mister sa isang special with Jim Brickman.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa netizens.

Ito ang kanilang mga komento.

“Bat sumama pa si matteo dapat sg alone”

“i feel the same lol”

“Intro ng the gift”

“Sana sa susunod, si SG nalang. Ba’t kailangan kasali ang jusawa? Pwedi ka naman sigurong humindi Matteo”

“Sakto may bagyo sa sunday sana wag brownout”

“Yey ngayon lang ulit manunuod ng asap dahil kay sarah hahaha”

“nanggugulat eh” (Archie Liao)