WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

SB19 magpapayanig sa Eat Bulaga

NI Rommel Gonzales

Inanunsiyo mismo ni Ryzza Mae Dizon na mapapanood ngayong Sabado, September 24, sa Eat Bulaga! ang sikat na sikat na Pinoy boy band na SB19!

Naganap ang announcement ni Ryzza Mae sa live airing mismo ng Eat Bulaga! kahapon.

Samantala, nitong September 2 ay inilabas ng SB19 ang pinakabago nilang single, ang WYAT (Where You At) na mayroon na ngayong mahigit 1.9 million views sa YouTube.

Ito ang comeback single ng grupo mula nang i-release ang mini-album nilang Pagsibol.

Naghahanda na rin ang SB19 para sa kanilang local at international tours matapos ang matagumpay nilang concert sa Araneta Coliseum noong Sabado, September 17.

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo (na paborito ni Ryzza Mae), Stell, Ken, Josh, at Justin.