WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Babu Mark Herras: Mavy bagong bad boy ng dance floor

NI: ALWIN IGNACIO

Kasama ang kanyang dance crew, ipinakita ni Mavy Legaspi sa kanyang TikTok dance video . Talagang pagdating sa sayawan at hatawan, eh tunay siyang palaban.

Matangkad, makisig, maganda ang mukha at tindig, yes oh yes, lalaking-lalaki pa ang galawan ni Legaspi.
Marami ang may crush means humahanga sa binata. Nagdagdag ng guapo points sa twin brother ni Cassy ang kanyang petmalung dance grooves at moves.

Ang lalaking super close kay Kyline Alcantra, may extra special swag at sway sa pagsasayaw kaya ang dance performances niya ay hatak at pangrahuyo sa mga nakakapanood nito. Hindi na magtataka ang mga fan ni Mavy kung siya na ang tatanghaling bagong bad boy on the dance floor. Babu n ba Mark Herras?
Mukhang anghel pero serving malupit na dance galawan kasi siya,eh.

@mavy.legaspi

LSS! HOT HOT 🔥 with my PID familia #fyp

♬ HOT – SEVENTEEN