WebClick Tracer

NEWS

Bagyong Karding sakalam, Luzon babayuhin

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga lugar na tatamaan ng bagyo na maging handa kasunod na rin ng paglakas pa ng bagyong Karding.

Ayon sa Pagasa, palakas ang intensity ng bagyong Karding kaya inaasahang bago ito tumama sa lupa ay maghahatid ito ng malalakas na pag-ulan.

Sa monitoring ng Pagasa ay tinutumbok ng bagyo ang Northern Luzon, taglay nito ang lakas ng hangin na 75kph at bugso na 90kph .

“This tropical cyclone is forecast to gradually intensify within the period prior to landfall over Northern Luzon. Based on the intensity forecast, it is likely to make landfall as a severe tropical storm,” ayon sa Pagasa.

Sa forecast track ng weather bureau ay posibleng sa Aurora ang landfall ng bagyo sa Linggo.

Sabado ng gabi ay magdadala ng malalakas na ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela at Aurora habang sa Linggo hanggang Lunes ay kasama nang uulanin ang Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union at Pangasinan.

Una nang sinabi ng weather bureau hindi nila isinasantabi ang posibleng Signal No 3 sa bagyong Karding. (Tina Mendoza)