WebClick Tracer

NEWS

Facebook bugawan P10K kada sex

Nadakip ng mga ahente ng NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) ang dalawang sangkot sa human trafficking at mabuking ang nangyayaring bugawan at presyuhan online sa isinagawang operasyon kamakailan sa Antipolo City.

Kasabay nito ay nasagip ang walong kababaihan kabilang ang limang menor de edad.

Kinilala ang naarestong sina Ronneth Tolentino at Reny Tumbali.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI sa pambubugaw ng mga suspek sa mga nasagip online sa halagang P5,000 hanggang P10,000 depende sa edad at sa sexual service.

Ikinasa ng NBI-AVAWCD ang entrapment operation kung saan nakipag-ugnayan ang NBI sa mga suspek sa pamamagitan ng facebook at nagkasundong magkita sa isang fast food sa Marilaque Highway Cogeo, Antipolo noong Setyembre 14.

Kasama ang 8 kabataang babae na isinakay sa van at ipinakita ito sa mga mga poseur-customer. Nang magkaabutan ng pera ay dito na inaresto ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)