WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Heart may pasabog photo kay Yugyeom

Bumulaga kamakailan ang larawan ni Heart Evangelista na kasama ang ang South Korean artist na si Yugyeom mula sa grupong GOT. Ang photo for posterity ay kuha sa Milan Fashion Week na seatmates ang Manila’s Top One Percent Perfect Representative at ang SoKor boy band performer.

Siyempre pa, puring-puri ng mga fashionista ang ganda ni Love Marie Ongpauco sa larawan. Hindi na rin makakaila na fashion at travel talaga ang therapy nito sa kasalukuyan.

Pawang haka-haka at epekulasyon pa rin ang mga nagaganap patungkol sa pagsasama nilang dalawa ni Ginoong Chiz Escudero. Dahil nga walang kumpirmasyon at pagtanggi, ang katotohanan na palagiang nasa ibang bansa ang Kapuso aktres ay binabasa bilang indikasyon na not all is well sa martial status ng mag-asawang Escudero.

Ang nakakaloka pa, lahat na lamang ng mga banyagang lalaki na nasisilayang paligiang kasama ni Love Marie, eh inginungusong bago nitong ka-“close”.

Agad-agad namang tigbak agad ang “closeness” ni Evangelista sa mga lalaking ibang lahi dahil may faster than a speeding bullet na chika agad na lulutang patungkol sa sexual orientation at preference ng mga homme na kanyang kasama sa fashion events at pagrampa.

Sa true lang, ang diva that you love, ang inaasahan mula sa Escudero couple, eh “joint official statement” na magpapahayag sa kung ano man ang estado ng kanilang pagsasama at relasyon. And it ends with the statement. Para in true shala at top one percent ang emehan, di ba?

Champagne at caviar, fashion and travel at chi-chi friends ang kasama at kasangga. Ibang-iba talaga ang galawang Heart Evangelista, hindi ba naman?