WebClick Tracer

NEWS

Inampong paslit, ni-rape

Isang batang babae na inabandona ng kanyang nanay ang hinalay ng anak ng pansamantalang nag-aaruga sa kanya sa Lopez, Quezon.

Sa report ng Lopez police, alas-2:30 nitong Huwebes ng hapon nang kaladkarin ng suspek na si alyas Reymart ang 9-anyos na biktima patungo sa kanyang kuwarto at doon ginahasa.

Matapos abusuhin nakatakbo ang bata sa kapitbahay, na nagkataong ina ng barangay chairman sa lugar at nakahingi ng tulong.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng biktima na tatlong beses na siyang pinagsamantalahan ng suspek mula noong buwan ng Abril 2022 nang iwanan siya ng kanyang ina at hindi na binalikan hanggang ngayon.

Pansamantala itong inaruga ng mga magulang ng suspek.

Hindi naman aniya siya makapagsumbong dahil na rin bantang pagpatay ng suspek.

Nasa kustodiya na ngayon ng MSWDO ng Lopez ang biktima samantalang inihahanda na ang kasong rape laban sa suspek. (Ronilo Dagos)