WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Maine winner ‘pulmonya ’ fashionista

NI: ALWIN IGNACIO
Patok na patok para sa mga fashion forward cosmopolitan at sophisticate ang bagong photo paandar ni Philippine Sweetheart Maine Mendonza.

Ang caption ni soon to be Mrs. Juan Carlos Atayde sa kanyang IG photo post ay “pulmonya fazhown” kasi nga bukas na bukas ang likod ng kanyang outfit of the day.

Ang lalong nagpatingkad ng pagka-alta sa gayak ni Nicomaine eh ang katotohanan ang ang setting ng larawan ay isang art gallery at makikitang may pinagmamasdan siyang contemporary visual art. Hindi ba shala kung shala ang ginagawa ni Nicomaine, arts appreciation na bonggang-bongga!

Ano pa nga kaya ang susunod na kabanata sa karera ni Mendoza? Bagamat happy ang lahat sa kanyang presensya sa “Eat Bulaga, marami ang nakaka-miss na mapanood siyang muli sa isang pelikula na siyempre, bagong dramatic actor ang dapat niyang maging leading man.

Ang diva that you love wish na makatambal niya sa pinakamalapit na panahon, ang humuhusay na si Jake Ejercito, na minsan ay nakapareha niya na rin sa telebisyon. May kakaibang chemistry at spark ang dalawa na talaga namang kakilig at mananalig ka sa kanilang lambingan at on screen pagmamahalan.

Ang altar date nila ni Ginoong Atayde ang next important balita sa buhay ng Philippine Sweetheart .Tiyak, sa tamang panahon, eh malalaman nating lahat.

Kaya, Maine Mendoza, serve us more of your fashion choices please dahil talaga namang palong-palo ang pagkafashionista mo na super now at pang millennial ang sensibilities.